---
title: "Crash Addresses | open.mp"
description: "Ang table sa baba ay nililista ang mga common na crash na nangyayari na nagpapakita ng crash address na maaari mong mahanap gamit ang mga address na ito. Kadalasan sa mga client crashes ay nangyayari dahil may problema sa script. Pero, masasabi natin na ang SA:MP ngayon ay stable na."
canonical: https://omp.itsneufox.com/fil/docs/client/CrashAddresses
language: fil
---

# Crash Addresses

Ang table sa baba ay nililista ang mga common na crash na nangyayari na nagpapakita ng crash address na maaari mong mahanap gamit ang mga address na ito. Kadalasan sa mga client crashes ay nangyayari dahil may problema sa script. Pero, masasabi natin na ang SA:MP ngayon ay stable na.

| KADALASAN | ADDRESS | DAHILAN | SOLUSYON |
| --- | --- | --- | --- |
| Bihira | 0x00000000 | Ang SA:MP ay hindi nag bubukas. | Re-install ang laro, siguraduhing gumagana ang singleplayer at tanggalin ang mga mods |
| Bihira | 0x006E3D17 | May problema sa skin. Nangyayari kapag nagpapalit ng skin ang player na nasa sasakyan o kapag sumasakay or bumababa ng sasakyan. | Siguraduhin na ang player ay hindi nakasakay sa sasakyan habang nag papalit ng skin. |
| Bihira | 0x0058370A | Mahirap i-trace. Lumilitaw na vehicle o camera related ang problema. Nangyayari kapag ang script ay nag attempt na isakay ang player sa sasakyan. Ang sasakyan na tineteleport ang player ay hindi available o hindi pa na render sa world. | Maghintay ng ilang millisecond bago i teleport ang player sa isang sasakyan na kakagawa lang. Isa pang solusyon ay gamitin ang SetCameraBehindPlayer katapos i teleport sa sasakyan ang player |
| Bihira | 0x0040F64C | Issue sa Windows 7 / Vista na may kinalaman sa mga permission. Problema sa installer version na gamit sa SA:MP client. | I-Update ang SA:MP 0.3d. Kung ang problema ay naryaryan palitan ang pangalan ng GTA San Andreas folder. |
| Bihira | 0x0059F8B4 | Nangyayari kapag ang client ay hindi nag load ng SA:MP objects. Kadalasan ang problema ay problema sa essential file, nawawala ang samp.img | I-Reinstall ang SA:MP Client. Subukan i install as Administrator kung gumagamit ng Windows 7 / Vista. |
| Bihira | 0x00746929 O 0x0081214A | Pangit na pag ka configure sa settings ng SA:MP client. | Ayusin ang settings. |
| Madalas | 0x007F0BF7 | May kinalaman sa pag upgrade ng sasakyan. Madalas nangyayari kapag ang server ay nag attempt na maglagay ng invalid na vehicle upgrade (Halimbawa: NOS o Spoilers sa motor). Ang ibang kadahilanan ay ang incompatible na mods ng sasakyan. | Maraming scripts na narelease sa forums na nagbibigay ng ganitong error kapag ginamit. |
| Madalas | 0x00544BC8 | May kinalaman sa objects. Madalas nangyayari kapag masyadong maraming objects ang nag s-stream sa client. | Isang praktikal na solusyon ay gumamit ng object handler/streamer. Maraming streamer na plugins sa forums na pwedeng i configure ang settings para mabawasan o madagdagan ang mga lumalabas na objects para sa isang player sa anomang oras. |
| Madalas | 0x00415D47 | May kinalaman sa objects. Madalas nangyayari kapag masyadong maraming objects ang nag s-stream sa client. | Mababang lebel na problema pero mahirap i-trace o hanapin at maayos. Pero parang related ito sa collisions na nangyayari randomly depende sa object. subukang magtanggal ng grupo-grupong mga objects at gumamit ng process of elimination para ma establish kung anong objects ang nag dadahilan dito at tanggalin ito sa iyong gamemode. |
| Madalas | 0x00536DF4 | May kinalaman sa objects. Madalas nangyayari kapag masyadong maraming objects ang nag s-stream sa client. | Tignan ang mga solusyon sa taas. |

| MENSAHE | DAHILAN | SOLUSYON |
| --- | --- | --- |
| Exception 0xC0000005 at 0x5E5815 | Mahirap i trace. Ang method na pinpunto ng address na ito ay maraming bagay na ginagawa. Nag pa-process ng animation blending base sa kinakatayuan ng pedestrian at sa audio, at cinacall ito katapos ng function na _nagbibigay_ sayo ng baril... Siguro ang nangyari dito ay may kinalaman sa script-invoked event na nangyayari kapag sumasakay ng sasakyan (halimbawa: nakatanggap ng baril, teleport o similar na mga pangyayari) | \- |
| Exception 0x0000005 at 0x534134 | Isyu sa Windoes 7 / Vista Access Levels | Buksan ang SA:MP client as an Administrator. |
| Exception 0xC0000005 at 0x544BC8 | Tignan ang 0x00544BC8 | Tignan ang 0x00544BC8 |
| Exception 0xC0000005 at 0x536DF4 | Tignan ang 0x00544BC8 | Tignan ang 0x00544BC8 |
| Exception 0xC0000005 at 0x7F120E | Maling upgrade ng vehicle ang nai-apply | [Tignan dito](https://omp.itsneufox.com/fil/docs/client/CommonClientIssues) |
